Para sa’yo aking Andres,

Panibagong araw na naman. Kamusta ka? Ako heto, simula na naman ng pagtahak sa buhay mag-isa- umagahan, tanghalian hanggang hapunan. Kumain ako mag-isa kanina, sumakay sa mga pampublikong transportasyon habang napapaligiran ng mga taong hindi ko kilala, naglakad sa gilid ng daan ng napakaaga habang nagsisimula pa lamang ang bukang liwayway ng walang kasama. May miminsang makakausap ng ibang tao pero syempre pansamantala lang ang lahat. Sa ngayon, nasa harap na naman ako ng aking makina, nagbabasa ng mga sulatroniko, nagbubukas ng mga panginain, at sinusuri ang mga nabubuksang kawingan. Napapaisip ako, kelan kaya tayo makakapagpalitang kwento? Kelan na magpapanagpo ang ating mga mata? Kailan natin magkasamang maririnig ang ating paboritong himig? Kailan kaya tayo iindak ng sabay sa iisang tugtugin? Mga tanong na kay hirap sagutin at wala tayong pedeng gawin kung hindi ang maghintay.

Nararamdaman mo na ba ang pagod? Kanina ka pa kasi tumatakbo sa utak ko. Anong pinagkakabalahan mo? Kung ano man yan, hangad ko ang iyong tagumpay at wagas na kaligayahan. Huwag ka masyadong magpaka-Superman o Spiderman. Alam mo na, wala silang oras para sa pag-ibig, baka hindi na magtagpo nyan ang ating mundo. Gusto mo ba yun? Ako ayoko. Kaya hindi ako masyadong nagpapaka Darna para pagdumating yung panahon na sabay tayong lilipad sa ere, tayo na ang magkasama. Walang kahit sino, tayo lang habang tinitingnan ang ganda ng mundo mula sa himpapawid. 

Panahon na naman ng pag-ibig. Anong gagawin mo sa eksaktong araw ng mga puso? Magpakasaya ka dahil yun din ang gagawin ko. Ayos lang kung may kasama ka ngayon basta kapag dumating na ang panahon na sabay at magkasama na nating ipagdidiwang iyon, dapat iyon ang best day ever. Kung ako ang tatanungin mo kung ano ang gagawin ko, isa lang naman ang ginagawa ko taon taon, yun ay ang hintayin ka. Naghihintay lang ako. Dito lang ako hangga’t nariyan ka. Nandito lang ako maghihintay sa’yo. Ayokong hanapin ka baka kasi iba pa ang makita ng aking makita. Huwag kang mag-alala, bukas ang landas patungo sa akin. Pinabuksan ko na sa Kay Bathala para sa’yo. Eh sa malakas ako sa kanya dahil marikit naman ako at bilang ako ang nagsabi. Magkita na lang tayo doon sa may ilalim ng araw at tumalon tayo ng tumalon sa saya, sabi nga sa Summer song. Saka kapag naririnig ko ang awiting Forevermore, pakiramdam ko ako si Agnes at ikaw ang aking Xander. Maari rin bang malaman ko kung anong tugtugin ang nagpapaalala na ako’y sa’yo at ika’y aking lamang? Nais ko sanang idagdag sa aking talaan. 

Huwag mo kalilimutang ngumiti, nakatutulong yun hindi lamang sa’yo kundi pati na rin sa ibang tao. Gusto ko yung laging may ngiti sa iyong labi kahit na anong lungkot o pangit ng araw mo. Baka kasi pagmagkasalubong tayo, sungitan mo ako. Iniisip ko pa lamang kasi parang ang sarap sa pakiramdam kapag nakangiti ka patungo sa akin. Huwag kang mag-alala pipilitin ko ding gawin yun para sa’yo. Ang sarap isipin ang araw ng ating pagtatagpo. Kung nagkasama naman na tayo sa ibang pagkakataon, nakakagalak ding balikan nang mga pagkakataon yaon. Paniguradong mula bukang liwayway hanggang takip silim ay hindi tayo magsasawang magkwentuhan; kung saan lahat ng ating bukam bibig ay may kahulugan -bawat pintig, bawat salita, bawat tono, bawat hinga. 

Hanggang dito nalang muna. Ayoko kasing maubusan ng sasabihin kapag nagtagpo na tayo. Marami akong ikukwento alam ko ikaw din. Relaks lang muna tayo at maging mas magandang  bersyon ng ating mga sarili hanggang sa makita natin ang isa’t isa. Mag-iingat ka parati. Alagaan mo ang iyong sarili.

Naghihintay,

Ang iyong Oriang

20141129_0725051

Advertisements

4 thoughts on “Para sa’yo aking Andres,

  1. Oriang,

    Magiliw kong binasa ang iyong liham, sulatroniko gaya nga ng wika mo. Napakalumanay ng iyong pagsasalaysay. Para bagang binabasa ko ang bawat salita at letrang laman ng iyong puso. Ang kahapon man ay palayo nang palayo ngunit palapit ka naman nang palapit sa iyong Andres. ‘yan ang tiyak ko.

Leave a reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s