Bente Kwatro (Ikatlong Bahagi)

Hearts-012

Ikatlong Bahagi para sa natitirang tatlo. Syempre pinag-isipan ko ito ng mabuti. At dahil alam kong hook ang lahat sa usapang pag-ibig sige pag-usapan natin ito. Minsan lang naman. Ohhhh noooooo. Yeah, I’m gonna share it. Sssshhh. Atin atin na lamang ito. Ano daw?

Bente dos. May super crush ako nung highschool kaso taga ibang municipality (Hint: Rock n’ roll). Kaya naman nakikita ko lamang sya sa mga shool competitions at pinaghuhusayan ko na makarating ng division level.Una ko syang nakita sa sa ScieCamp. Nag Mr. Scie Camp sya, si number 6. Crushable naman talaga kaya unforgettable ang the face ni kuya. Sunod na engkwentro namin ay madalas sa journalism competitions. Mga tatlong taon din yun na lagi ko syang nakikita. Batchmates naman din kasi kami. May minsan na naging groupmate pa kami at nirepresent yung disctrict namin sa Division level broadcasting competition. Of course, kilig naman ako. Pero syempre hindi ako yung tipo ng nagbibigay motibo. Nanalo yung grupo namin pero kinailangan na naming umuwi kaya di ako nakaakyat ng stage kasama sya. Sumunod na taon eh nagkita kaming muli sa dalawang pagkakataon, journalism at MTAP naman. At dahil alam ng mga teammates ko na crush ko sya, nagpakastalker mode sila para sa akin. Shy type ako eh. Ayun, yung photo journalist namin kinuhanan sya ng picture (PS. Film pa nun ha), nilaminate at niregalo sa akin. Tinago ko ang litratong yun at inilagay ko sa Stat Manual ko noong college bilang inspirasyon. Yun na ata yung huling taon na nakita ko sya. Nalaman kong pumasa din sya sa UP though Diliman. Kasi nung inannounce yung passers hinanap ko lang naman yung pangalan nya. Stalker ulit. After 3 years, nalaman ko sa highschool classmate ko na nagkataong naging classmate sya na sa probinsya lang din sya nagcollege at di na natuloy sa UP. At dahil medyo makuwento itong si classmate na lagi kong kasama din noon sa journalism, nalaman ni crush lahat lahat. Natatawa na lamang din ako ngayon. High school life oh highschool life. Sa ngayon, hanggang facebook friends na lang talaga kami.

Bente tres.  Pasabog. NBSB ako. Oo. Proud to be. At feeling ko normal naman yun pero nung nagsimula akong magtrabaho walang maniwala sa akin, like as if wala na talagang nageexist na ganun. Ewan. Basta ako marami akong kilalang ganun. May mga nag-attempt naman pero wala eh, bumibigay agad. Minsan naisip ko tuloy hindi ba ako worth fighting for o kaya naman di ba talaga ako keri ng guys o isa pa eh may kulang ba? Ano? Hahaha! Naalala ko noong kinder, lagi kaming sabay umuuwi. Super friends ganun. Close kami at close din parents namin. Sabi ba naman nya one day daw papakasalan nya ako. BOOMPANES! Ke kiring bata nito oh! Ayun maagang naging batang ama. Meron namang isa gusto daw sumabay pag-uwi at kung pwede bang manligaw, aba eh dinaan sa kaklase ko.  Ayun syempre pakipot ang lola. Mas mabilis akong naglalakad o kaya patakbo na hindi obvious at sumasabay sa mga classmates ko pauwi. Iwas talaga kasi baka makita din ng mga teachers. Panigurado papagalitan ako. Kasi ayun syempre probinsya, pag-aged generation ganun talaga. Isa pa naiintindihan ko kasi honor student daw ako. Baka di ko daw kaya pagsabayin. Kaya ayun, babye friend. Sayang nga eh sikat pa naman yun sa school, escort lagi ang peg. Itago nalang natin sa word na “xray”. Tsk. May isa naman nagsabi ang hirap ko daw abutin. Nah! Ano ako bituin? Ang tagal ko inisip yun. At hanggang ngayon alalang ala ko pa. So yun, hanggang lupa nalang siya at di na sinungit ang bituin. Forever na lang nakatingin. Yun! Heto ang aking kwentong NBSB. Isang bituin “daw” na mahirap abutin. Anyways, naniniwala din naman ako na sa bawat isa sa atin ay may isang taong nakalaan.

Bente kwatro. Tulad ng iba na may ideal guy, meron din ako. Meron din akong listahan ng negotiables at non-negotiables. Hindi ko na ibabahagi dahil personal yun para sa akin. Eto lang nais kong sabihin sa kanya pagnagkita na kami, at gusto kong malaman ng lahat, “1. WAG TAYONG GAGAMIT NG GADGETS PAGMAGKASAMA TAYO. THANK YOU! 2. MAS GUSTO KO ANG HAND WRITTEN LETTERS KESA TEXT, 3. WEIRD AKO.” Lastly, dream ko na magpakasal before 30.years old. Mga 28 or 29 siguro ang target ko. Kasal agad? Syempre depende din naman kung kelan kami magkakasalubong. Basta yun lang ang ideal age ko of getting married.

So there, thank you so much for the time you’ve spent reading this. God bless us all!

Advertisements

One thought on “Bente Kwatro (Ikatlong Bahagi)

Leave a reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s