Bente Kwatro (Ikalawang Bahagi)

24_Hours

Narito na ang ikalawang bahagi ng aking pagbabahagi.

Onse. Tahimik lang talaga ko. Kaya ko ang hindi magsalita maghapon. Hindi ako madaling makipagkaibigan kasi nga hindi ako nag-aapproach agad. Matagal ako bago makakuha ng bwelo. Hindi ako palakuwento ng tungkol sa buhay ko, ng nararamdaman ko, ng naiisip ko. Pero kapag close ko na talaga ang isang tao at nakuha na nya ang tiwala ko, asahan mo ang mga kwento at jokes ko pati na rin ang loyalty ko. Disclaimer: Depende sa tao din na kausap ko ang binabahagi ko. May mga piling kwento at damdamin depende syempre sa level ng friendship or relationship.

Dose. Hindi ako madaling pagpawisan. Habang tagaktak na ng pawis ang iba, ako ay nagsisimula pa lang pagpawisan. Pero madali akong lamigin kahit di naman masyadong malamig.

Trese. Paborito ko ang recipe ng tatay ko. Hilaw na labanos (chopped syempre), may konting konting suka, tubig at asin tapos hahaluan ng kamatis sabay ulam sa kanin. Samahan mo pa ng tuyo. Gutom solved!

Katorse. Madami akong nicknames at ito ay may kanya kanyang kwento. Hindi ko na lang ikukwento pero ito silang lahat. Yana (pwede ding Yanna, Yannah o Yanah depende na lang sa taong nagsusulat), Ya o ate Ya, Ducana, Duks, Danaya, Dian, Dianne, Da- yana (Da (emphasis) yana), Di (tunog Inday), Anaid (obvious naman di ba?) at Miss D.

Kinse. Enrolled na ako sa TUP-Taguig ng maisipan kong ituloy ang UPLB. So Ayun umabot pa naman ako sa late registration. Ang kurso kong kinuha sa TUP ay Chemical Engineering. Pumasa naman ako sa interviews at exam kaya akala ko doon ko na talaga gusto. Pero hindi talaga kaya ng puso kong ipagpalit ang UP. 😀

Disesais. Speaking of chem, favorite subject ko noong highschool ang Chemistry, Biology, Algebra at Geometry. Ewan ko ba pero tila may mga drawings na lumalabas sa utak ko pagnagsosolve ako ng mga math problems, nag puprove, nagbabalance ng equation, kumukuha ng molarity at kung ano ano pang kakabit noon. Pagdating ng kolehiyo, paborito ko pa din naman medyo mas challenging lang. Buti na lang malapit lang ang St. Therese. Iyak! Isang subject lang ang mula noon hanggang ngayon ay nightmare ko talaga, Statistics. Ayoko sa kanya. Fin.

Disesyete. Gumanap akong Portia ng The Merchant of Venice sa isang schoolplay namin. Pero mas paborito kong linya na hanggang ngayon ay saulado ko pa ay ang linya ni Shylock, “I am a Jew. Hath not a Jew eyes? Hath not a Jew hands, organs, dimensions, senses, affections, passions; fed with the same food, hurt with the same weapons, subject to the same diseases, heal’d by the same means, warm’d and cool’d by the same winter and summer, as a Christian is? If you prick us, do we not bleed? If you tickle us, do we not laugh? If you poison us, do we not die? And if you wrong us, do we not revenge? If we are like you in the rest, we will resemble you in that.” Andaming feels eh.

Diseotso. Mula Grade 2 hanggang 4th year highschool nasa A section ako. Wala ako sa A noong Grade 1 kasi random ang slot lalo na sa public school. Mula ng nag-aral ako honor student na ako. Kaya naman pressure doon pressure dito kahit gusto ko naman yung ginagawa ko. Kaya lang minsan, may minsan na naisip ko, sana simpleng estudyante na lang ako. Yun lang. Pero masaya naman ako sa tinakbo ng buhay ko. Keri lang.

Disenuwebe. Mahilig akong magdrawing, sketch o painting. Hindi naman ako tulad ng ibang propesyonal. Nakahiligan lang talaga. Madalas nga ako sumali noon ng mga poster making competitions. Sa pagkakaalala ko sumali din ako ng elimination as cartoonist para sa aming school paper. Subalit hindi talaga ako para doon. Kaya ayun, napunta ako sa Copy Reading and Headline Writing, na mula noong elementary hanggang highschool. Tapos ayun, sa kasamaang palad (joke lang), ako ang naging Editor-in-chief.

Bente. Gusto ng nanay ko na maging majorette dancer ako, ginusto ko din naman. Pero ng makita ko ang xylophone, sabi ko sa sarili mas may potential ako doon. Kaya ayun, naging lyre band member ako sa loob ng apat na taon.

Bente uno. Mahilig akong gumawa ng horror stories noong elementary lalo na ng tungkol sa school. Eh kumalat yung isang ghost story ko. Isang umaga sa may common CR malapit sa room namin, nagulat ako sa dami ng mga Grade 2 na andun. May nagpakamatay daw sa CR na yun noon at nandun pa din yung buto nya kaya laging nakalock ang pinto. At sa gabi, nagpaparamdam daw yung babae at kung ano ano pang istorya tungkol sa CR. Noong narinig ko yung kwento, tawang tawa na lang ako.

At para sa natitirang tatlong numero. Watch out! 😀

Advertisements

Leave a reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s