44 na Tagaligtas- The Fallen Heroes

10410562_10203660892102746_6571112737848339659_n

Para sa pamilya, kaibigan at nagmamalasakit sa mga TAGAPAGLIGTAS,

Maaring marami sa atin ang hindi sila kilala o ngayon lamang nalaman ang patungkol sa Special Action Force ng PNP. Ang ilan ay nakakakilala ng lubos sa kanila tulad ng pamilya at kaibigan. Marahil marami sa atin ang nagtatanong kung ano ba ang totoong nangyari? Bakit humantong sa trahedya at pagbubuwis ng buhay ang enkwentro sa Mindanao? Ano ang tunay na nangyari sa 44 na SAF officers? Hanggang sa kasalukuyan maraming tanong pa ang gumugulo sa ating lahat. Nariyan ang mga pagdududa at hinanakit sa kasalukuyang pamahalaan. Ang totoo, hindi ko na din mawari kung ano na ba talaga ang ipinaglalaban ng mga terorista? Bakit kailangang pumatay at magdulot ng kaguluhan para sa pansariling layunin? Ano ba talaga ang magiging balik nito sa kanila? Magulo. Oo. Naguguluhan na ako. Magulo dahil buhay na ang kapalit ng lahat.

Gayunpaman, sa gitna ng pagdadalamhati ng bansa sa nangyaring ito, ito ang panahon na mas kinakailangan nating maging isa, maging matatag at matapang sa lahat ng pinagdadaan ng bawat isa sa atin. Sa ganitong paraan hindi masasayang ang dugo at buhay na ibinuwis ng 44 na tagapagligtas. Aaminin ko wala akong kilala sa kanila. Pero ramdam ko ang hapdi. Sa ngayon, ang panalangin ko ay hustisya sa 44 na SAF officers.

Noon, may narinig akong tanong na sobrang tumatak sa isip ko. Sa panahon ngayon, ano ang maaring maitatak o maiwan ng bagong henerasyon sa ating bayan? Ano ang pwedeng gawin ng henerasyong ito na maaring maisama sa kasaysayan ng bansa o maisulat man lamang sa mga pampaaralang aklat. Napaisip ako. Ano nga ba? Nawalan ako ng maisagot ngayong tayo ay kuntento na sa ibinibigay sa atin ng syensya. Hanggang sa dumating ang isa sa pinakamadilim na araw sa ating bansa, Araw na nasaksihan ng henerasyon ngayon. Nakakalungkot na malaman ng sa murang edad ng mga nasawi, maraming pangarap din ang nailibing. Malungkot. Masakit. Ngunit sa kabila nito, nawa’y di natin makalimutan ang nagawa nila para sa bansa. Bilang kasama sa henerasyong ito, ako ay saludo sa kanilang katapangan at paninindigan para sa tungkulin. Hiling ko sa aking mga kahenerasyon na kumilos para sa bayan kahit sa simpleng paraan. Tama na ang selfie, DOTA, COC at kung anun ano pa. Kailangan nating kumilos para sa pangmatagalang pagkakaunawaan ng ating bansa. Maging simula tayo ng pagbabago para sa katahimikan at kaligtasan. Hindi man natin lahat magawa ang nagawa ng SAF para sa bayan, tandaan sana natin na marami tayong pwedeng magawa- isa na ang simpleng pag-alala sa kanila.

Paalam mga Dakilang Bayani! Walang katapusang pasasalamat at pagsaludo!

Advertisements

Where Do Broken Hearts Go?

Where do broken hearts go?”– Isang tanong na sa totoo lang ay mahirap sagutin. Saan nga ba maaaring tumungo ang mga nabasag na puso? Saan nga ba? Meron bang lugar dito sa mundo na maaring magkanlong sa mga pusong bigo? Sa Baguio ba talaga? O sa Boracay? O sa Japan kaya?

Nasasaktan tayo sa napakaraming dahilan. Maaaring iniwan ka ng mahal mo, nag-away kayo ng bff o ng magulang mo, nawalan ka ng trabaho, o di kaya naman ay nawala na ng tuluyan ang tao o bagay na mahalaga sa iyo. Nasasaktan tayo dahil minsan pakiramdam natin ay wala na tayong kakampi sa buhay. Nasasaktan tayo dahil masakit talaga at wala ng ibang salita ang pwede pang magdescribe sa feeling na iyon. Nabasag ang puso dahil hindi nangyari ang inaasahan nating mangyari.

Mahirap masaktan. Mahirap magmove on. Mahirap magpatuloy lalo na kung ang puso ay sawi at tila ba wala ng maliwanag na bukas ang iyong tanging nakikita. Kaya naman sa gitna ng lahat ng pagkabigo, dadating ka talaga sa point ng buhay mo na gusto mo na lang takasan ang lahat. Tumakbo, lumipad at magpakalayo. Kung ako ang tatanungin ng “where do broken hearts go?”, isa lang ang isasagot ko, “saan ba sa tingin mo?”. Dahil ang totoo, wala namang ibang may alam kung saan ka dapat lumugar or magtungo kapag nasaktan ka, kundi ikaw lang. Ikaw lamang. Nasasaiyo naman ang desisyon kung saan mo gusto pumunta- sa lugar ng pagpapatawad, pagmomove on, paglimot, paghihinakit, o pagkamuhi. Hindi porket tinanong ka ng “where?” ay pupunta ka na sa lugar na ikaw lamang at kakalimutan ang lahat. Mahirap harapin ang mga bagay o taong nagdulot ng sakit at pighati. Subalit hindi ba dapat matuto tayo na harapin at solusyonan ang mga ito. Sabi nga ng iba, “it takes time”. Totoo naman. Proseso ang pagpapahilom sa isang pusong nasaktan. Pero hangga’t maari isipin mo na sa bawat sakit na nararamdaman mo, maaring hindi lang ikaw ang nasasaktan. Huwag mong hayaang ikaw ay maging epidemya. Harapin mo ng buong tapang ang sakit. Hindi sagot ang pagiging emo. Hindi pwedeng dahilan na nasaktan ka ng isang tao kaya hindi ka magpapatawad. Hindi pwedeng maging dahilan na naupos ka dahil sa isang pagkakamali para hindi magpatuloy ng buhay.

Kung lahat ay nakamove on na, sana ikaw din. So where do broken hearts go? Humarap ka sa salamin, ngayon na. Tingnan mo ang sarili mo, saan mo gustong dalahin ang buhay mo? Ano ang nakikita mo?

There is Something In You

I See Something by Dananjaya Hettiarachchi

“All of us has something special that makes us as beautiful. Do you know what makes you special? Now, the answer to that can be a little difficult to find because sometimes life has a cruel way. […] When you’re broken, it’s very difficult to feel special.”

When you’re lost and broken it’s difficult to feel special. But when you feel that you are loved and trusted by the people you value the most, those broken pieces in your heart can be fixed once again. Love heals, love completes, love sees, love fixes- Love Does. Never forget that you are special and unique in your own way. Believe that there is something in you- there is something in you that only you can discover. There is something in you that the world needs. Never give up when the world gives you challenges, they are your opportunities to discover the person that is within you. You have potentials waiting to be unleashed. There is something in you. Lastly, do not forget to see something beautiful and unique about the people around you. They are just there waiting- waiting for your love and affirmation. “There is something in you”- five words that can change lives. Do not hesitate to speak it out.

A Love Inside [A Note for Men and Women]

Did you ever experience to love someone? A love so deep, a love that satisfies, a love that gives a bliss and a love that your heart can’t contain. Did you ever love someone so righteous that you don’t want to make even a single mistake? Did you ever feel a love that will never last? Did you ever love someone even though it hurts- it hurts so much that you don’t want to fall in love again? Did you ever love someone from a distance? Did you ever love somebody you know will never love you back but still you choose to love? If you did, you know how that one love, that love inside of you changes everything.

As we walk through this life, we discover a million tiny or big things about love. Sometimes, we don’t even know it is love not until we realize that we just miss our chance. And that’s the time we feel that love’s a traitor. However, LOVE is and will never be a traitor. It is our options and decisions that disappoint us, teach us to hate people and force ourselves to become someone we are not made for. Love is and will always be beautiful, you just have to believe.

I remembered Ps. Carlo’s preaching the last time I attended the Destiny Manila’s Service. He said: Love is not who you can see yourself with but who you can see yourself without. I was pondering on this the whole day and I realized that when we badly want something, we try to do everything just to get it- sometimes because we need it or we just want to have it. But when we don’t want to lose something, we value and take care of it because we want to keep it much more than how much we need it. I hope you’re getting what I mean. I am still vividly thinking of how to expound it. If you think the same thing as mine and you have a clearer picture on how to explain it, please do share it with me.

After nth hours of thinking, I’ve also thought of sharing a short reminder for men and women out there. This is the love I have inside for every man and woman of this generation.

Dear Ms. Beautiful,

I pray that your heart is in a good condition while reading this. I would like to tell you that you are lovely; you are gorgeous; you are beautiful just the way you are because you are a Princess of the Most High. As the Princess of God, please don’t lower your standards just to be noticed by men. Your body is the temple of God. Think of how should a temple be taken care of. Yes. That’s it. It should be take care with love, elegance and purity. Just be yourself and don’t aim to be someone else. Use your beauty for Him and Him alone. You are worth fighting for. You are meant to be pursued. Prepare yourself as you wait for God’s perfect timing and plans. Choose for the man who loves the Lord first and as much as how he loves you. Choose for a man of vision, prayer and faithfulness. Choose for the man responsible and devoted to you and your family. Choose for a man with sensitive spirit and is faithful to whatever the Lord has given him. Don’t settle for anything less. Pray for your man. Be the woman of God and the woman with the same quality you are looking for in a man.

Dear Mr. Handsome,

You are the man of God. You are a great warrior and leader of God’s Kingdom. You are meant to protect the woman you love and not to take advantage of her. Use your strength and your wisdom in a way that will always honor a woman. Be a gentleman. Be willing to do things a woman would love to even if you don’t want it (for example: just by simply watching cheesy movies and other woman stuff). You are meant to lead your woman to God as well as your family. Pursue God. Do not be someone else just to impress girls. Be who you are but never forget to always choose to become a better person. A man who is always willing to learn and improve. Women are emotional whilst most of the men are secretive of their feelings. Herein, Be open to your woman. Don’t ever forget to communicate. Don’t just hide inside your cave until your fear subside. You might miss your best chance. Be courageous enough to face your fears and the consequences. Do not say faulty words to your woman. Be a man of encouragement instead of being burden. Be a man of motivation. 

All the best. May we all meet our Ms. and Mr. the one in His perfect time. Wait patiently. Remember: It is always who you are while waiting that matters most.

 

 

Bente Kwatro (Ikatlong Bahagi)

Hearts-012

Ikatlong Bahagi para sa natitirang tatlo. Syempre pinag-isipan ko ito ng mabuti. At dahil alam kong hook ang lahat sa usapang pag-ibig sige pag-usapan natin ito. Minsan lang naman. Ohhhh noooooo. Yeah, I’m gonna share it. Sssshhh. Atin atin na lamang ito. Ano daw?

Bente dos. May super crush ako nung highschool kaso taga ibang municipality (Hint: Rock n’ roll). Kaya naman nakikita ko lamang sya sa mga shool competitions at pinaghuhusayan ko na makarating ng division level.Una ko syang nakita sa sa ScieCamp. Nag Mr. Scie Camp sya, si number 6. Crushable naman talaga kaya unforgettable ang the face ni kuya. Sunod na engkwentro namin ay madalas sa journalism competitions. Mga tatlong taon din yun na lagi ko syang nakikita. Batchmates naman din kasi kami. May minsan na naging groupmate pa kami at nirepresent yung disctrict namin sa Division level broadcasting competition. Of course, kilig naman ako. Pero syempre hindi ako yung tipo ng nagbibigay motibo. Nanalo yung grupo namin pero kinailangan na naming umuwi kaya di ako nakaakyat ng stage kasama sya. Sumunod na taon eh nagkita kaming muli sa dalawang pagkakataon, journalism at MTAP naman. At dahil alam ng mga teammates ko na crush ko sya, nagpakastalker mode sila para sa akin. Shy type ako eh. Ayun, yung photo journalist namin kinuhanan sya ng picture (PS. Film pa nun ha), nilaminate at niregalo sa akin. Tinago ko ang litratong yun at inilagay ko sa Stat Manual ko noong college bilang inspirasyon. Yun na ata yung huling taon na nakita ko sya. Nalaman kong pumasa din sya sa UP though Diliman. Kasi nung inannounce yung passers hinanap ko lang naman yung pangalan nya. Stalker ulit. After 3 years, nalaman ko sa highschool classmate ko na nagkataong naging classmate sya na sa probinsya lang din sya nagcollege at di na natuloy sa UP. At dahil medyo makuwento itong si classmate na lagi kong kasama din noon sa journalism, nalaman ni crush lahat lahat. Natatawa na lamang din ako ngayon. High school life oh highschool life. Sa ngayon, hanggang facebook friends na lang talaga kami.

Bente tres.  Pasabog. NBSB ako. Oo. Proud to be. At feeling ko normal naman yun pero nung nagsimula akong magtrabaho walang maniwala sa akin, like as if wala na talagang nageexist na ganun. Ewan. Basta ako marami akong kilalang ganun. May mga nag-attempt naman pero wala eh, bumibigay agad. Minsan naisip ko tuloy hindi ba ako worth fighting for o kaya naman di ba talaga ako keri ng guys o isa pa eh may kulang ba? Ano? Hahaha! Naalala ko noong kinder, lagi kaming sabay umuuwi. Super friends ganun. Close kami at close din parents namin. Sabi ba naman nya one day daw papakasalan nya ako. BOOMPANES! Ke kiring bata nito oh! Ayun maagang naging batang ama. Meron namang isa gusto daw sumabay pag-uwi at kung pwede bang manligaw, aba eh dinaan sa kaklase ko.  Ayun syempre pakipot ang lola. Mas mabilis akong naglalakad o kaya patakbo na hindi obvious at sumasabay sa mga classmates ko pauwi. Iwas talaga kasi baka makita din ng mga teachers. Panigurado papagalitan ako. Kasi ayun syempre probinsya, pag-aged generation ganun talaga. Isa pa naiintindihan ko kasi honor student daw ako. Baka di ko daw kaya pagsabayin. Kaya ayun, babye friend. Sayang nga eh sikat pa naman yun sa school, escort lagi ang peg. Itago nalang natin sa word na “xray”. Tsk. May isa naman nagsabi ang hirap ko daw abutin. Nah! Ano ako bituin? Ang tagal ko inisip yun. At hanggang ngayon alalang ala ko pa. So yun, hanggang lupa nalang siya at di na sinungit ang bituin. Forever na lang nakatingin. Yun! Heto ang aking kwentong NBSB. Isang bituin “daw” na mahirap abutin. Anyways, naniniwala din naman ako na sa bawat isa sa atin ay may isang taong nakalaan.

Bente kwatro. Tulad ng iba na may ideal guy, meron din ako. Meron din akong listahan ng negotiables at non-negotiables. Hindi ko na ibabahagi dahil personal yun para sa akin. Eto lang nais kong sabihin sa kanya pagnagkita na kami, at gusto kong malaman ng lahat, “1. WAG TAYONG GAGAMIT NG GADGETS PAGMAGKASAMA TAYO. THANK YOU! 2. MAS GUSTO KO ANG HAND WRITTEN LETTERS KESA TEXT, 3. WEIRD AKO.” Lastly, dream ko na magpakasal before 30.years old. Mga 28 or 29 siguro ang target ko. Kasal agad? Syempre depende din naman kung kelan kami magkakasalubong. Basta yun lang ang ideal age ko of getting married.

So there, thank you so much for the time you’ve spent reading this. God bless us all!

Bente Kwatro (Ikalawang Bahagi)

24_Hours

Narito na ang ikalawang bahagi ng aking pagbabahagi.

Onse. Tahimik lang talaga ko. Kaya ko ang hindi magsalita maghapon. Hindi ako madaling makipagkaibigan kasi nga hindi ako nag-aapproach agad. Matagal ako bago makakuha ng bwelo. Hindi ako palakuwento ng tungkol sa buhay ko, ng nararamdaman ko, ng naiisip ko. Pero kapag close ko na talaga ang isang tao at nakuha na nya ang tiwala ko, asahan mo ang mga kwento at jokes ko pati na rin ang loyalty ko. Disclaimer: Depende sa tao din na kausap ko ang binabahagi ko. May mga piling kwento at damdamin depende syempre sa level ng friendship or relationship.

Dose. Hindi ako madaling pagpawisan. Habang tagaktak na ng pawis ang iba, ako ay nagsisimula pa lang pagpawisan. Pero madali akong lamigin kahit di naman masyadong malamig.

Trese. Paborito ko ang recipe ng tatay ko. Hilaw na labanos (chopped syempre), may konting konting suka, tubig at asin tapos hahaluan ng kamatis sabay ulam sa kanin. Samahan mo pa ng tuyo. Gutom solved!

Katorse. Madami akong nicknames at ito ay may kanya kanyang kwento. Hindi ko na lang ikukwento pero ito silang lahat. Yana (pwede ding Yanna, Yannah o Yanah depende na lang sa taong nagsusulat), Ya o ate Ya, Ducana, Duks, Danaya, Dian, Dianne, Da- yana (Da (emphasis) yana), Di (tunog Inday), Anaid (obvious naman di ba?) at Miss D.

Kinse. Enrolled na ako sa TUP-Taguig ng maisipan kong ituloy ang UPLB. So Ayun umabot pa naman ako sa late registration. Ang kurso kong kinuha sa TUP ay Chemical Engineering. Pumasa naman ako sa interviews at exam kaya akala ko doon ko na talaga gusto. Pero hindi talaga kaya ng puso kong ipagpalit ang UP. 😀

Disesais. Speaking of chem, favorite subject ko noong highschool ang Chemistry, Biology, Algebra at Geometry. Ewan ko ba pero tila may mga drawings na lumalabas sa utak ko pagnagsosolve ako ng mga math problems, nag puprove, nagbabalance ng equation, kumukuha ng molarity at kung ano ano pang kakabit noon. Pagdating ng kolehiyo, paborito ko pa din naman medyo mas challenging lang. Buti na lang malapit lang ang St. Therese. Iyak! Isang subject lang ang mula noon hanggang ngayon ay nightmare ko talaga, Statistics. Ayoko sa kanya. Fin.

Disesyete. Gumanap akong Portia ng The Merchant of Venice sa isang schoolplay namin. Pero mas paborito kong linya na hanggang ngayon ay saulado ko pa ay ang linya ni Shylock, “I am a Jew. Hath not a Jew eyes? Hath not a Jew hands, organs, dimensions, senses, affections, passions; fed with the same food, hurt with the same weapons, subject to the same diseases, heal’d by the same means, warm’d and cool’d by the same winter and summer, as a Christian is? If you prick us, do we not bleed? If you tickle us, do we not laugh? If you poison us, do we not die? And if you wrong us, do we not revenge? If we are like you in the rest, we will resemble you in that.” Andaming feels eh.

Diseotso. Mula Grade 2 hanggang 4th year highschool nasa A section ako. Wala ako sa A noong Grade 1 kasi random ang slot lalo na sa public school. Mula ng nag-aral ako honor student na ako. Kaya naman pressure doon pressure dito kahit gusto ko naman yung ginagawa ko. Kaya lang minsan, may minsan na naisip ko, sana simpleng estudyante na lang ako. Yun lang. Pero masaya naman ako sa tinakbo ng buhay ko. Keri lang.

Disenuwebe. Mahilig akong magdrawing, sketch o painting. Hindi naman ako tulad ng ibang propesyonal. Nakahiligan lang talaga. Madalas nga ako sumali noon ng mga poster making competitions. Sa pagkakaalala ko sumali din ako ng elimination as cartoonist para sa aming school paper. Subalit hindi talaga ako para doon. Kaya ayun, napunta ako sa Copy Reading and Headline Writing, na mula noong elementary hanggang highschool. Tapos ayun, sa kasamaang palad (joke lang), ako ang naging Editor-in-chief.

Bente. Gusto ng nanay ko na maging majorette dancer ako, ginusto ko din naman. Pero ng makita ko ang xylophone, sabi ko sa sarili mas may potential ako doon. Kaya ayun, naging lyre band member ako sa loob ng apat na taon.

Bente uno. Mahilig akong gumawa ng horror stories noong elementary lalo na ng tungkol sa school. Eh kumalat yung isang ghost story ko. Isang umaga sa may common CR malapit sa room namin, nagulat ako sa dami ng mga Grade 2 na andun. May nagpakamatay daw sa CR na yun noon at nandun pa din yung buto nya kaya laging nakalock ang pinto. At sa gabi, nagpaparamdam daw yung babae at kung ano ano pang istorya tungkol sa CR. Noong narinig ko yung kwento, tawang tawa na lang ako.

At para sa natitirang tatlong numero. Watch out! 😀

Bente Kwatro (Unang Bahagi)

24-Logo.svg

Dahil sa malapit na akong magbente kwatro at gusto ko lang na may gawing kakaiba, hayaan nyo akong ibahagi sa inyo ang bente kwatrong katotohanan tungkol sa akin. Mga bagay at katotohanan na tanging ako o iilang tao lamang ang may alam.

Uno. Hindi ako kumakain ng hard boiled egg mula pa noong aking kabataan. Ewan ko ba, kapag kumakain ako ng ganun parang may halimaw sa tyan ko na gustong gustong lumabas mula sa aking bibig. Alam mo na. Natuto lamang akong kumakain ng kwek kwek na nilunod muna sa suka noong nasa kolehiyo ako sa UPLB. Ayun, kumakain na ako ng hard boiled egg pero dapat may kasabay na ibang pampalasa. At tubig!

Dos. Lalaki ako noon. Haha! Di, joke lang. Babae po ako. Pero kung kaklase kita noong elementary at highschool alam mo ‘to. Madalas akong makipagaway sa lalaki. Madalas akong makipag-asaran, makipagsuntukan at makipagtadyakan. May isang beses pa nga na nanghabol at namalo ako ng walis tingting eh. Amazona ang peg. Pero kahit naman ganoon ako, suportado nila ako sa lahat. Kaya naman tropa talaga kami nung mga klasmeyt kong lalaki, lalo na sa highschool. Gustong gusto nila akong katabi. Mabait din naman kasi ako sa kanila kapag may pagsusulit.  Buti nalang nakilala ko si Lord. Praise God!

Tres. Pagkakatapos maligo, hindi ako agad nagsusuklay. At madalas, nakasabit ang suklay sa ulo ko. Wala lang, nandun lang. Style! Fashion!

Kwatro. Ako ay isang melancholic-phlegmatic. Yung emosyonal pero walang emosyon, yung approachable pero hindi nangaapproach, yung nagpapanic pero hindi taranta, yung may pakialam pero mukhang walang pakialam, yung mga ganun. Hindi naman ako baliw, wag kang judgmental ganun lang talaga. Paki google nalang ng 4 temperaments para mas maintindihan mo ang sinasabi ko.

Singko. Mahilig ako sa sweets except chocolates. Pero kumakain naman ako ng tsokoleyt. Mas prefer ko lang talaga ang donuts, ice cream (lalo pag ang DQ) at cheesecake (kahit anong flavor basta cheesecake).

Sais. Mahilig ako sa pandesal. Kahit breakfast, lunch at dinner ko yun, solve na ang tyan ko. Basta may cheese spread, peanut butter, hotdog, o pritong itlog at KAPE!

Syete. Kalbo ako noong sanggol ako. Sabi ng nanay ko medyo matagal bago ako nagkaroon ng buhok. Base sa mga litrato ko noon, kalbo nga ako. Pero ngayon, haba ng hair kahit di Rejoice ang gamit ko. Kung ano, di ko na sasabihin, wala namang talent fee.

Otso. Ang totoo kong pangalan ay Dianne Rose hindi yung pangalan ko ngayon. Si ateng midwife kasi mali yung pandinig, hayun mali ang nairehistro. Kaya noong nasa ikaunang baitang ako, yun palagi ang nilalagay ko sa aking papel. Marahil napansin yun ng guro ko kaya siguro kinausap nya ang nanay ko. Wala naman na kaming magawa, maproseso din ang magpalit ng pangalan kaya hinayaan na lang namin. Inaral ko na lang din. Sa ngayon, okay naman ako sa pangalan ko. Ang sikat nga eh!

Nuwebe. Ako ay isang movie buff pero hindi ako mahilig sa sine na may Part 1, 2, 3, 4….. Halimbawa na lang ang Harry Potter, Twilight at iba pa. Ayaw ko lang talaga ng pakiramdam ng nabibitin o hindi ko talaga feel ang mga ganoong sine. Nito na nga lang ako natutong panoorin ang Mockingjay, Lord of the Rings, at The Hobbit. Hayun, kinailangan kong imarathon yung mga naunang movies para maintindihan ko yung pinanood ko.

Dyes. Third year na ako nagkaroon ng cellphone. Tulad ng mga kahenerasyon ko, ayun text sa umaga hanggang gabi, sa mga kaklaseng kasama mo lang din naman maghapon,at sa mga hindi din naman kilala. Ang saya kaya! Pero pagdating ng college hanggang ngayon, ewan ko ba. Aaminin ko tamad akong magload, kuripot – OO. Tamad din akong magtext. Kaya kung di kita narereplyan, ipagpatawad mo. Ang galing mo tumayming eh. Pero nagrereply naman ako pag may load na, feel ko at alam ko na ang isasagot ko.

Vision 20/20 List for 2015

2015 calendar

Since it’s a brand new and exciting year, let me share my all-new Vision 20/20 list with you. This is actually the third year that I am having my Vision 20/20 list. So before you start reading my 2015 Vision 20/20 list, I would like to share with you first a glimpse of what happened to my 2014 list.

2014 Vision 20/20 list

1. Be a blessing and a testimony to others and to the nations of the world. Plus, be more faithful! [In fairness, Number 1 agad! Thank You Lord for giving me such an opportunity to be a blessing. There were a lot of things happened here in Malaysia this year. I’ve got a lot of new friends and connections. It was also my first time to join the ICPM event and the ministry work in Penang, yey!]

2. Masters degree (finish it in 4 sems only) in Malaysia, award-winning thesis, and avail of scholarship grants, favor from teachers and adviser. [Medyo winowork out pa, but thank You Lord for the progress. Indeed, I’ve got unexpected and awesome favors from my colleagues and teachers. Thank You Jesus pa rin for my adviser.]

3. Job/ Part-time job (with good compensation, learnings, and great workmates/environment, and a work I will dearly love. Lord, pwede UN? :D) [I didn’t just get one but two jobs before the end of 2014. Thank You Lord for the opportunities and my bosses. I am so blessed. It’s not yet UN but still they’re both international companies. lol. I’ve got a chance to work with SIRIS, an Australian based research company and currently with RSPO, an international organization for Sustainable palm oil industries. Isn’t it amazing? I also got amazing officemates. Though I was the only rose among the thorns, it was a fun filled learning experience to be with the team of brilliant men.]

4. Provisions, blessings, breakthroughs, favor, happiness and abundance for me and my family [He is such an awesome God. I’ve got overflowing provisions, blessings, breakthroughs, favor, happiness and abundance in 2014. I won’t elaborate it, but more than all these things, I want to thank God for the people He gave me to accompany me in receiving and experiencing all these. ]

5. Good health and safety (for me and my family) [Thank You Lord for the healings, good health and covering. This is the best of my 2014 list. Health is wealth. We are wealthy because we are healthy. You might see this again in my 2015 list. 🙂 ]

6. Learn how to drive a car and of course, I want a CAR! [I haven’t started yet on my driving lessons. I still don’t have a car. But I still want to accomplish this. Soon!]

7. Business for my parents! [Thank You Lord for the provisions.]

8. Fully furnish our house in Batangas! [Ongoing. Medyo delayed since I went here in MY and registered for a post-grad course. But, I promise to accomplish this, COMING SOON! Onting push na lang]

9. Job for my sister after graduation (before the end of July 2014) (with good compensation, great learnings, and great workmates/environment, and a work she will also love) [It took months of waiting, but she was able to get the job before the end 2014. Yey! Thank You Lord! May katulong na ako. lol]

10. Travel (Philippines or other countries) (with family) [And yes! Did this though not with my biological family. I should have specifically stated it here. Yet, it was a great experience to travel with my Destiny Malaysia family.]

11. Save, save, save and Insurance. [I didn’t have the insurance yet I was able to save for my tuition fees and other expenses while I’m still here in MY. 🙂 ]

12. Good academic standing for my siblings. [Thanks too Lord for blessing my siblings with good grades.]

There you go! Thank You Lord and thanks to you [whoever you are reading this] for being part of my 2014. I am so blessed to experience an amazing and abundant year with you. 2014 was indeed a year of taking risks and making things happen! I am now more than excited for 2015. All things will work together for good.

Hello 2015! I declare that you will be my year of completion [all the things that are still pending; post grad matters and those that I wasn’t able to accomplish in the past years], double blessings, and more open doors [opportunities, nations, scholarships, awards etc.]. The best things are yet to come! AMEN!

Now, here’s my Vision 20/20 list. Have yours too and you’ll be surprised and amazed of what God can do in a year.

2015 Vision 20/20 List

1. Greater things and supernatural experiences for Destiny Malaysia. Increase in team’s number and more connections for each member. Glorious house church that will be a blessing and a testimony to all Malaysians and Filipinos or other nationalities in Malaysia.

2. Good health, safety and covering for me, my family and relatives and DMI-MY/SOMA family.

3. Provisions, supernatural experiences, breakthroughs, acceleration, higher level of favor and abundance, never ending happiness for me and my family

4. No tragedy, crimes, floods and other calamities for the WHOLE WIDE WORLD especially Asia. No deaths, debts, sickness, war, and all things that are from the enemy. Let there be peace on Earth.

5. Finish my post grad study and my thesis this year [declaring to finish it before Christmas of 2015]. No more extensions. Avail of scholarship or grants. Award winning thesis. Safety during data gathering, wisdom during data analysis and thesis writing, favor from all those that are involved in my study esp. Adviser, committee member and the VIVA officers. More patience!

6. Acceleration and continuous Job/ Part time Job [with awesome environment and favor from colleagues; and a fun filled learning experience] to support my studies, everyday expenses and family. Lord, I’m still desiring for UN or ADB. 😀

7. More safe and unforgettable travel [PH or international] with family or friends. May it be work related, ministry related or for personal satisfaction. 

8. I want to SAVE! SAVE! SAVE! money for the future and for family insurance. No more debts! Be more faithful to my tithes.

9. Open doors for my sister. Greater opportunities and an awesome job for her- a job that she will really love, higher compensation, a favorable workplace and a job that will develop her abilities and skills. And for my brothers, more of good deeds, good academic standing, and favors from classmates and teachers. 

10.Higher wisdom on love, relationship and leadership matters to avoid heartbreaks, wrong actions and unnecessary leadership thoughts. Thus, read more inspiring books. Deeper relationship with God.

11. Publish a book or a journal. 

12. New lappy with higher storage memory and better system. Give Toshiba lappy to family. New gadgets and give old gadgets to others who are in need! Thus, more provisions and source of financial blessings. 

13. Explore, learn and do new things. More volunteer experiences. More and better initiatives for Mother Earth.