Ngiti Na

Kung mamasdan mo lang ang milyong bituin
Matatanaw mo ang nilimot mong mga pangarap
Kung miminsang hayaan mong liparin ka ng hangin
Dadalhin ka nito sa pinakamataas na ulap
Kalimutan mo na ang hapis at pighati
Yapusin mo ang hapdi ang walang pagsisisi
Tinatawag kang muli ng iyong puso
Patungo sa paraisong pangarap mo ang bumuo
Hayaan mo lang magpatuloy ang iyong kwento
Pagkatapos ng bawat tuldok, siguradong may istoryang bago
Patuloy kang mabuhay sa ritmo ng iyong damdamin
Huwag ka ng magdalawang isip na ito ay sundin
Puso mo man ay nabalot ng dilim at  hikbi
Wag kang padadaig sa mga hamon ng gabi
Hangga’t ikaw ay patuloy na humihinga
Nawa ay makita mo na palaging may bagong umaga
Ngiti na, maglakbay ka at dinggin ang bagong tinig
Ngiti na, bukas palad ng muli para sa’yo ang daigdig
Ngiti na, naghihintay na ang makulay na buhay
Ngiti na, ngitli lang hanggang makitang muli bukang liwayway.

Advertisements

Leave a reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s