SaYo’y Maghihintay

Dito sa may dalampasigan, ako’y maghihintay

Sa pag-ibig Mong wagas at walang kupas

Daramhin ang samyo ng hanging humahampas

Hanggang sa ang puso ko’y Ikaw na lang ang hanap

 

Dito sa paraiso, ako ay maghihintay

Pagkat wala Kang katulad dito sa sanlibutan

Ika’y nagiisa , Tulad mo’y di napaparam

Hindi maihahambing sa anu pa mang yaman.

 

Dito sa kaparangan, ako’y maghihintay

Luluwalhatiin ang ngalan Mo magpakailanman

Ibubulong sa hangin ang aking pagtangi

At kung di marinig ay isisigaw sa mundo ang aking papuri.

 

Dito sa gitna ng karagatan, ako’y maghihintay

Hahanapin ang kapayapaan sa Iyong mga likha

Hanggang sa mapawi lahat ng alinlangan

Hanggang sa muling masilayan ang Iyong Katapatan

 

Noon, ngayon at magpakailanman

Dito, doon at kahit saan

Kabutihan Mo sa tulad ko’y di magmamaliw

Narito ako palagi, sa Yo’y maghihintay.

 

-Anaid