Flashback Friday: Dati

This song is indeed magical. Ang galing talaga ng Pinoy. Sobrang sarap pakinggan na halos ilang beses ko na atang napaulit ulit. Siguro dahil na din batang 90’s ako at dahil sa mga alaala ng kamusmusan. PumiPBB Teens! Pero seryoso, 90s pa lang uso na ata yun.

Naalala ko noong nasa Kindergarten ako, may lagi akong kasamang batang lalaki, itago nalang natin sa pangalang “Michael “(not his real name, nakalimutan ko na kasi. Eto lang yung pumasok sa isipan ko na parang eto nga ata yung pangalan nya). Halos magkapalit na kami ng mukha. Palagi kaming magkasama, magkalaro at magkasabay kumain at mag-aral. Kapag uwian at dumating na ang sundo ko (yung tatay ko pala yung sundo ko), lagi syang sumasabay sa motorsiklo namin. Minsan kapag wala pa yung sundo, sabay kami umuuwi muna papunta sa bahay nila para maghintay ng susundo. Magkakilala din kasi ang aming mga magulang.

Hindi nya ako iniiwan na mag-isa. Super buddies ika nga. Ngunit tulad ng ibang bata, nagkakatampuhan din kami pero minuto lang bati na agad.

Isang araw, habang naghihintay ng sundo, tahimik lang akong nagsusulat ng pangalan ko sa lupa gamit ang isang pirasong bato. Tahimik din sya ng biglang sabi nya, “Papakasalan kita” sabay guhit ng puso at pagsulat pangalan nya. Hala! Kasal agad? Syempre binatukan ko siya. Tapos, keber na lang. Gayunpaman, kahit di ko na masyadong maalala ang nakaraan dahil sa sobrang tagal na at bata ko pa,  di ko pa nalilimutan yung bahaging iyon ng aking pagkabata. Ewan ko ba.

Dumating yung araw ng aming pagtatapos sa Kinder at hindi ko na sya uli nakita pagkatapos ng gabing iyon. Wala man lamang akong litrato na kasama sya kasi umalis sila agad matapos niya daw umiyak. Kwento lang naman. Kung bakit, hindi ko na nalaman. Lumipas ang mga taon, nagkasalubong kami. Kakatapos ko lang sa kolehiyo noon. Ang daming nagbago. Hindi na kami nagpansinan, kahit na namukhaan naming ang isa’t isa. Pagkarating ko ng bahay, saka ko lang sya uli naalala (yung naalala talaga). At dahil gusto kong malaman kung kamusta na sya, tinanong ko ang aking butihing ina. Tsismis nya eh, pasaway na daw si Michael, di na nagtapos ng pag-aaral, nagkaroon ng bisyo. Kahit ganun ang mga narinig ko, sa utak ko, ang gwapo pa din nya. Shocks! Andun pa din ang malambot at bagsak nyang buhok, kumikinang pag nasisikatan ng araw, ang maputi niyang balat, singkit na mga mata at ang malalim na “dimples”. Pero syempre, tulad ng halos lahat ng babae, may ideal man din naman ako at alam kong hindi sya yun. Sa ngayon, may asawa na daw siya ngunit hindi kasal. Sabi pa nila, problema na daw siya ng nanay niya.

Yun lang. Yun lang. Yun lang.

Yun ang dati. Tara na lang at sabay umawit. 😀

DATI Lyrics

Datirati sabay pa nating pinangarap ang lahat
umaawit pa sa hangin at amoy araw ang balat
naaalala ko pa non nag-aagawan ng nintendo
kay sarap namang mabalikan ang ating kwento

lagi-lagi ka sa amin dumidiretso pag-uwi
maglalaro ng tao-taong piso-pisong nabili
umaawit ng theme song na sabay kinabisa
kay sarap namang mabalikan ang alaala

ikaw ang kasama buhat noon
ikaw ang pangarap hanggang ngayon

Chorus
di bat ikaw nga yung reyna at ako ang iyong hari
ako yung prinsesang sagip mo palagi
ngunit ngayoy marami ng nabago’t nangyari
ngunit di ang pagtingin na gaya pa rin ng
dararatda dati
dararatda dati
dararatda dati
na gaya pa rin ng…

Datirati ay palaging sabay na mag syesta
at sabay rin gigising alas kwatro y medya
sabay manunuod ng paboritong programa
o kay tamis naman mabalikan ang alaala

Chorus
di bat ikaw nga yung reyna at ako ang iyong hari
ako yung prinsesang sagip mo palagi
ngunit ngayoy marami ng nabago’t nangyari
ngunit di ang pagtingin na gaya pa rin ng

Rap: Quest
datirati ay naglalaro pa ng bahay-bahayan
gamit-gamit ang mantel na itinali sa kawayan
at pawang magkakalaban pag nag tataya-tayaan
pero singtamis ng kendi pag nagkakasal-kasalan
diba dati ay nagkukunwaring Marvin at Jolina
minsan ay tambalang Mylene at Bojo Molina
ang sarap sigurong balikan ng mga alaala
lalo na’t kung magkayap mga bata’t magkasama at

parang Julio at Julia lagi tayong magkasama
sabay tayong umiiyak pag inaapi si Sarah
una kang kinakatok sa pagsapit ng umaga
sana mabalik pa natin ating pagsasama

Chorus
di bat ikaw nga yung reyna at ako ang iyong hari
ako yung prinsesang sagip mo palagi
ngunit ngayo’y malayo ka’t malabong mangyari
ang aking pagtingin,
oh ibulong nalang sa hangin
pangarap na lang din (pangarap na lang din)
na gaya pa rin ng ..

dararatda dati
dararatda dati
dararatda dati
na gaya pa rin

dararatda dati
dararatda dati
dararatda dati
na gaya pa rin ng..

ng dati…

Advertisements

Leave a reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s