Prom Night

Prom by Sugarfree

cover: https://soundcloud.com/ejay-yatco/sa-wakas-prom

Puso kong di mapalagay
Pwede ba kitang tabihan
Kahit na may iba ka nang kasama

Ito na ang gabing di malilimutan
Dahan-dahan tayong nagtinginan

Parang ating ang gabi
Para bang wala tayong katabi
At tayo’y sumayaw
Na parang di na tayo bibitaw
Bibitaw

Nalalasing sa iyong tingin
Di malaman laman ang gagawin
Habang lumalamim ang gabi
Ay lumalapit ang ating mga labi

Ito na ang gabing di malilimutan
Tayo’y naglakad ng dahan-dahan

Parang atin ang gabi
Para bang wala tayong katabi
At tayo’y sumayaw
Na parang di na tayo bibitaw
Bibitaw

Matapos man ang sayaw
Pangakong di ka bibitaw

Parang atin ang gabi
Parang atin ang gabi
Parang atin ang gabi
Para bang wala tayong katabi
At tayo’y sumayaw
Na parang di na tayo bibitaw

Parang atin ang gabi
Para bang wala tayong katabi
At tayo’y sumayaw
Na parang di na tayo bibitaw
Di na tayo bibitaw

May kakaibang tibok. Di mo mawari kung ang puso mo ba’y sasabog. Nakapanlalamig. Tila bang isang gabing hangin lamang ang inyong naririnig. Dinarasal na sana’y di na matapos ang gabi. May miminsang ang mga mata ay mag kakahulihan ng tingin. Ahhh. Ganun daw sa prom.

Oo. Di ko alam kung ano ang pakiramdam ng nakapag-Prom. Eh ang KJ kasi ni Sir Principal. Kami lang ang batch na di nakaranas ng ganoon. Kesyo uso kasi ang jontisan at iba pang nakawan ng di mawaring uhm. Basta. So ayun, walang tugtog ng mga awiting mapapaindak ang aming mga paa, walang mga damit at saya na nagpabonggahan, walang mga pusong nag kapanaan, walang mga matang nakatitigan.

First dance? Di ko na maalala kung sino. Kasi naman parang wala lang. Pero ang sigurado ko ay sa kasalan yun. Ganoon kasi sa probinsya kapag may ikinakasal. Lahat ng abay ay dapat makipagsayaw sa kapareha na itinakda ng mga ikakasal. Pero, dib a? Iba pa din kung sa Prom yung first dance mo? Tapos kayo ng iyong iniirog ang nagkaroon ng pagkakataon upang angkinin ang oras? Eh kaso ayun, tapos na. Wala na. Di na maibabalik pa ang oras.

Dadating ba ang panahon na pinakahihintay? Na tayo’y ay magkakatabi, magkahawak kamay habang sumasabay sa himig at ritmo ng musika, magkakatinginan na parang atin ang mundo? Narito lang ako maghihintay.

PS: Save the last dance for me.

Image

#Random thoughts #waiting