Confessions: On Super Woman or Darna

I am a super woman wannabe. YES! Pero noong bata pa ako. Hindi ko lang maintindihan kung bakit ngayon ay mukhang nagiging super woman na nga ako.

Lately, I’ve been doing things out of my capacity. Pero ewan, hindi ko maintindihan kung paano ko sila lahat nagagawa. Dahil ba sa napipilitan ako? Hindi naman siguro. Dahil ba sa wala lang akong magawa? Lalong hindi. Dahil ba sa gusto kong mag-paimpress sa tao? Mas lalo namang wala yun sa isip ko.

Ang alam ko lang ginagawa ko ang lahat ng iyon dahil sa “covenant” ko kay Lord. Covenant, isang  bagay na pinanghahawakan nating lahat. Minsan nakakapagod, nakakaubos ng lakas pero hindi ko din alam kung paano pa ako nakakatayo at nakakakilos para gawin ang lahat ng iyon. Kung iisipin mahirap, pero kapag ginagawa na para bang may super powers na bigla na lang pumupumunta sa katawan.

Pero syempre, kapag nagiging tao na uli ako pakiramdam ko lumulutang ang utak ko. Noong isang araw ng sumakay ako sa MRT, syempre bago ka makapasok dapat dumaan ka muna sa gwardya para icheck yung mga dala mo, sa di malamang dahilan, na kung tutuusin ay palagi naman akong sumasakay doon, ay inaabot ko sa gwardiya ang bayad. Mabuti na lamang ay hindi naman kami magkakilala kahit pa pagtawanan nya ako. Nasundan pa ito noong sumakay ako ng bus pauwi. Ganito kasi yan, 21 pesos kasi ang dapat na  pamasahe nang saka ko matanto na ang binibigay ko sa konduktor ay 8 pesos lamang. Napagalitan pa ako. Baka daw jeepney lamang ang sasakyan ko.

Ipagpatawad na lamang nila ang aking kahinaan.

Maliban kasi sa trabaho (na minsan ay di pa tapos, may kasunod na agad * hindi naman ako nagrereklamo doon*) ay may iba’t ibang aktibidad pa ako. Ilang araw na walang tulog, pahinga, stressed sa buhay, pero bakit nakakaya ko pa din lahat? Nakalunok ba ako ng bato? Hindi naman. Dedoo na ako siguro kung oo. Energy drink? Ayaw ko ng ganun. Dahil sa kape? Hindi na nga masyado eh. Marahil ay dahil SA’YO at sa Kanila. Pipiliting kong gumalaw dahil alam kong nariyan Ikaw at sila.

At dahil sa isa akong Super woman o Darna, asahan na natin, saka na ang love life.

Sige, ang totoo wala lang akong maisulat. Ito lang ang pumasok sa isip ko.

Lilipad na si Darna (sa Tagalog), Super Woman (sa Ingles).

Up, up and away!!!

Super heroine

Advertisements

Leave a reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s