It’s More Fun with Your First Love But.

Image

Bata pa lang ako, fan na ako ni Jollibee. Walang kaarawan ko noon ang lumipas na hindi ako napapakain ng mga magulang ko sa lugar na ito kung saan may pinakamasarap at pinakamasayang manok. Kapag may mga bagong laruan ang Jollibee, pipilitin ko talaga ang nanay ko na ibili ako. Sa sobrang mahal din namin si Jollibee, inuuwi namin ng lola ko yung plastik na baso, kutsara at tinidor na may mukha ni Jollibee sa dulo.

Ewan. May kung anong karisma talaga kay Jollibee na gugustuhin sya ng mga bata. Yung tipong kinikilig-kilig ka pag andyan yung mascot nya. Tatawa ng malakas kapag niyakap ka. At kapag umalis na siya, ay may di mapawing ngiti ang naiiwan sa labi.

Ito lang ang pinagtatakhan ko sa aking kabataan. Wala akong maalala na nagpakuha man lang ako ng litrato sa kanya. Ang alam ko lang nahihiya ako kapag andyan na sya. May saya na di ko maipaliwanag. May kakaibang pakiramdam na nagpapatigil ng mundo ko hanggang sa wala akong magawa kundi ang tingnan sya.

Ngayong nasa sapat na edad na ako kung saan mas madaming bagay na ang aking naiintindihan, unti-unti akong naliwanagan sa aking damdamin.

Kung bakit ko ito pinamagatang ganoon ay dahil… Tama ka. Si Jollibee ang aking First Love… Siya pala. Siya pala yun?

Hanggang ngayon ay may tuwa pa din sa aking damdamin kapag nakikita ko sya. Pero di na tulad noong bata ako dahil ngayon alam ko na ang pinagkaiba ng totoo sa imahinasyon, ng possible at imposible.

At sa ngayon, mayroon na akong Ultimate Love.

It is most fun with your ultimate love than your first love.

Sino si Ultimate Love? Siya ang nagbigay liwanag at nagpabago ng buhay ko.

Siya ang nagbigay ng pagkakataon sa akin para maranasan ang lahat ng ito.

Siya ang nagbigay daan upang mailigtas ako, tayo.

Siya ang nagbigay ng lahat ng meron tayo ngayon.

Siya ay si Hesus.

Siya.

Kay sarap umibig sa tulad Niya.

Advertisements

Leave a reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s