Balang Araw

Ikaw ang bahaghari t’wing titigil ang ulan

At sa kahit anong panahon ay laging nariyan

Maraming salamat sa mga oras na inilaan

At sa mga alaalang sa aki’y iyong iniwan

 

Ngayong ang buhay nati’y malayo na

Gumagalaw sa ibang mundo at maraming nakikilala

Gumagawa ng magkaibang istorya sa buhay

Sana balang araw puso nati’y muling magkakulay

 

Sabay nating abutin ang ating pangarap

Magpatuloy sa paglalakbay at pag-abot sa mga ulap

Hanapin natin ang ating mga puso

Hanggang sa muli tayong magtagpo

 

Balang araw ay malalaman natin

Kung sa bangdang huli ay tayo pa rin

Balang araw ay malalaman din natin

Kung ang tadhana’y ito rin ang mithiin

Advertisements

Leave a reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s