Si Friendster

Bigla kong naalala si Friendster. Noong bago pa lamang ako sa mundo ng social networking, siya ang nagpakita ng katotohanang pwdeng maging kaibigan ang mga di mo kilala at yung mga naging kakilala lang ng minsan maliban sa mga tunay na kaibigan.

Ang friendster ang nakasubaybay sa mga kabaduyan at medyo kakikayan ko nung araw. Aaminin ko ke baduy lang ng mga naging profile names ko sa friendster. Baduy na kung baduy pero nakakatuwa pa ding balikan ang alaala ng nakaraan. “JustYANA” ba naman? Saka di lamang naman ako ang naging creative sa pangalan dun. Andami kayang mas emo pa sakin, isama mo pa yung email add nila.

Bago pa malaman ni Facebook ang mga nasa utak ko, nashout out ko na ke Friendster. At saka sinu ba ang makakalimot sa pagandahan ng friendster profile. Yung tipong hahanap ka talaga lalo na yung magpapakita ng kung sino ka o ng paborito mo. Parang ako lang “butterflies” ang motiff. At pipili pa ng cursor na bagay sa background. Bonggang bongga din ang profile kapag may background music. Yung tipong pag viniew mo yung account mo, taob si Youtube at mp3.com. At kapag naman nagview ka ng profile ng iba, magugulat ka na lang na biglang may tutunog sabay sabing “paborito nya kaya to? Ang korni”. Tuwang tuwa din ako noon sa pag fill up ng personal info para madaming pwdeng mabasa sa More about _____. Noong huling beses kong nabasa ang pinaglalagay ko dun natawa ako sa sarili ko. Ang korni ko nga. Baduy. LOLS.

Sino din ba ang makakalimot sa feeling na excited kang i-click yung who viewed me at yung tatalon ka sa saya kapag viniew ka ng taong espesyal sa’yo.

Nakakamiss din yung palitan ng posts sa wall with pictures na inedit sa glitter.com. , Yung playlist sa profile by mp3-codes.com, at yung mga pictures na may kanya kanyang albums base sa gusto mo.

Sa friendster ko din natutunan ang pagiging aktibo sa mga groups. Yung tipong ginagawa ng blog yung group. Tapos pagdidiskusyunan ng mga miyembro hanggang sa magkaroon ng thread.

Nakakamiss ka old friendster!

Advertisements

Leave a reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s