(BLANKO)

Ang totoo nyan wala talaga akong maisulat.WALA NGA BA?o di ko lang talaga alam kung ano. Sa sobrang dami kasi ng nasa isip ko parang gusto kong isulat na lang lahat sa isang blankong espasyo para kahit paano mabawasan. Yung tipong sa sobrang dami di ko alam kung pano sisimulan.

Kanikanina lamang gusto kong magsulat ng kung paano ako nagpapasalamat sa mga pagkakataong nararanasan kong maging masaya kasama ang mga taong mahahalaga sa akin. Kanikanina lamang naisip kong gumawa ng talata ng pasasalamat para sa mga taong naging parte ng kung sino ako ngayon. Yung mga taong sa panahon ng kagalakan, sumasabay sila sa akin. Sa panahon ng aking ka melanan, ika nga ng madami ka emohan daw pero pilit kong ipinaglalaban na melan lang, andyan yung mga taong di napapagod upang ako’y alalayan.

Naisip ko ang swerte swerte ko. Daig ko pa ang nanalo sa lotto. Wala man akong bahay na may 2nd floor,lupa na may hardin,mansion na gaya ng ke Pacquiao,kotse na pink,green at blue na may drawing ng butterfly,magandang kwarto na may waterbed, macbook na alam kong kakainin lamang ako, flat/touch screen tv na may wifi, magagarang damit,sapatos at bag, ang yaman ko sa kaibigan at minamahal.

Kanikanina lamang habang nakikinig sa kantang “officially missin you”, gusto kong isulat na may namimiss ako. Andami kasing nagfaflashback. Yung pakiramdam na gustong ipost yung lyrics sa FB o twitter, kaya lang baka biglang may maglabasan na ulap sa isip ng makakabasa. Pero ang totoo may namimiss ako. Sa sobrang dami nila di na kaya ng storage capacity ng utak ko kaya siguro madalas mag buffer. Yung iba madalas ko namang makita pero gusto ko pading sabihin na namimiss ko sila. Kasi ang totoo gusto kong makita at marinig kahit kada segundo ang mga ngiti at halakhak nila. Mga kwentong pumapatok kahit di ko agad magets. Pero kahit paano andyan pa din sila para ipaunawa sa’kin. Miss ko na talaga sila. Ang dami kong gustong ikwento pero isip ko lang ang kausap ko. Hay naku.

Ayoko na nga. Ang hirap isulat pag di mo alam kung paano. Brainfreeze na muna.