Noon at Ngayon ay Ikaw

Tapos na ang isa na namang enkwentro, marami pang susunod at tiyak kong bukod tangi na naman iyon. Ang sarap isipin na sa dinami dami ng mga nangyari, matagumpay itong natapos. Maraming buhay na naman ang kanyang binago. Tila isang pangayayari na hindi lang basta itinadhaha kung di nakatatak na talaga sa kanilang mga palad.

Nakakagalak na nagenkwentro ang kapatid ko, sa wakas nakilala na niya SIYA. Ang saya sa pakiramdam, sabi ko sa sarili ko, unti unti ko ng nagagawa ang mga planong iniatang nya sa akin. Subalit hindi talaga mawawala ang mga di katanggap tanggap na pangyayari bago pa lang matuloy ang isang enkwentro. Ang dami muna naming pinagdaanan. Halos lahat din ng inimbitahan ko bigla na lang tumanggi sa huling araw mismo. Pero salamat pa din, may tumanggap pa din ng imbitasyon. Balik sa sinasabi ko kanina, nais talaga ng kaaway na di sila makapunta sa enkwentro tulad na lamang ng nangyari sa amin ng kapatid ko.

Mabilis lamang ang byahe patungong Maynila noong pumunta ako doon subalit nang pabalik na at kasama ko na ang kapatid ko, maraming mga nakaririmarim na pangyayari ang naganap. Mga bandang alas-5 ng hapon pa ng kami ay umalis ng bahay sbalit nakarating kami ng ELBI ay mga 10 na ng gabi. Grabe ang haba ng pila ng mga sasakyan na nagsisiksikan sa daan. Ni hindi man lamang umaandar kung minsan. Sinabayan pa ito ng malakas na ulan at kidlat na tila ba may pakiramdam at naglalabas ng kakaibang galit. Nakakatalot ang talim ng mga ito kaya naman puno ng panalangin ang puso ko na makarating agad sa aming patutunguhan. Ilang oras din kaming di tumatakbo. Halos sumigaw na ako sa sobrang inis, subalit pinaalala lang sakin ang katahinikan ng puso ay mas maraming magagawa. Nanahimik na lang ako. Nagdasal.

Sa wakas, tuamakbo na ang aming sinasakyan. Ng biglang bumangga aming bus sa jeep na nasa unahan nito. Malakas na tunog ang nagmula sa unahan. Basag pala ang salamin. Nagkaglo na ang mga tao. Salamat pa din sapagkat nasa likuran kami. Ligtas sa kung anumang sanay nangyari. Bumaba kami ng sasakyan at naghintay ng jeep patungongelbi. Nanginginig ang katawan ko, nanlalamig at pinagpapawisan.

Sa wakas, nakarating din kami ng matiwasay. At nagkaroon na ng pagkakataon upang mapasok ang puso niya ng pagmamahal ng ating ama.

SALAMAT. (,”) dahil sa kahit anong pagkakataon, ikaw pa rin.

Advertisements