Freaked Out

Isang napakagandang umaga ang bumati sa akin. At sa umagang yaon, nagulantang ang ang aking katawang tao…hahaha. Nais magwala ng aking utak, nais sumabog ng puso ko. Kakaiba talaga. Gabi bago ng umagang iyon ay nagkaroon ng babad ang SOD sa Destiny center. Kakaiba talaga sa pakiramdam. Di maipaliwanag ang bugso ng damdamin, ang kakaibang galaw ng aking katawan.

Kamuntikan na akong maubusan ng lakas subalit pinanatili nyang matatag ang aking pisikal na katawan. Umabot ang babad na iyon sa tinatawag na “fire tunnel”. Ang pakiramdam ko kapag ginagawa ang huli ay pareho lamang palagi. Damdaming nag-aalab, walang katumbas at di maipaliwanag. OO, pagod na ang katawan ko ng panahong iyon subalit malakas ang hawak niya sa akin, di ako bumibigay. May kung anuman na nais kumawala sa akin habang dumadaan sa lagusan. Wala akong nagawa kundi ang umiyak. Nais kong sumigaw ng malakas pero di ko na kaya. hahaha…Nakakawala talaga sa sarili ang kanyang presensya.

Sa aking pagtulog ng gabing iyon,wala na akong iba pang nasabi kung di ang salamat sa isang maganda at kagalak galak na araw. Hanggang sa nakatulog na ako ng tuluyan. Wala na akong maalala. Pagod na talaga. Wala na akopng ibang naramdaman pa. Hanggang dumako ang aking pagkatao sa isang panaginip. Mukhang totoo. Masaya sa pakiramdam. Hanggang sa,
Zandra: “yana, yana…gising…tara breakfast tayo. Andyan ba sina Gina?Rheyn? May binili kasi akong tinapay at kape…”

Nagising ako. Bumalik ako sa tunay na mundo. Napabalikwas ako sa aking higaan ng bigla kong maalala ang aking panaginip. Ganito daw iyon. May “Night life” daw kami sa Forestry tapos dumating na ang mga inimbitahan namin. Pumasok ang nagngangalang Erika, kilala ko na sya pero hindi masyado sa mukha sapagkat minsan ko pa lang siya nakita. May kasama daw siyang babae din, ipinakilala nya ito sa akin. Nakita ko ang kanyang mukha, maliwanag parang nakita ko na sya pero hindi ko talaga sya kilala. Giselle daw ang kanyang ngalan. Di ko lam kung tama ba ang baybay ng pangalan nya. At ayun, nagising na ako.

Mabilis akong tumayo ng aking higaan at pumunta sa lobby ng dorm .Hinanap kong ang listahan ng mga residente. Mabilis ko itong nakita at agad na hinanap ang pangalang nasa panaginip ko. At ayun! Meron nga…Halos mabaliw talaga ako. Nag-iisa lang ang pangalang iyon sa listahan at batch 2010 sya. (JESEL ang baybay subalit pareho lamang ang bigkas).

Kakaiba talaga. Astig talagang maituturing. SAna maulit uli. At sa ngayon nagpapatuloy ako sa pagkilala sa taong sa panaginip ko unang nakita. SAna ay makilala din niya SIYa, ang taong nagpakita ng mukha at nagbigay ng pangalan nya sa akin.

Sabi ko sa aking sarili magpapatotoo lamang ako kapag nadala ko na sya sa ENCOUNTER,…Malapit na

Advertisements